|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Salaping kailangan sa Bohol, binabaan
NANGANGAILANGAN pa ng tulong ang mga biktima ng malakas na lindol na yumanig sa Bohol mga apat na buwan na ang nakalilipas. Ito ang pahayag ni Luiza Carvalho, ang United Nations Resident at Humanitarian Coordinator sa Pilipinas.
Mula sa halagang US$ 46.8 milyon, nangangailangan na lamang ang Bohol na US$ 33.8 milyon ayon sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.
Sa isang pahayag, sinabi ni Carvalho na kailangan pa ang may US$ 19 milyon para sa madaliang pabahay at panustos sa mga palatuntunan sa larangan ng kalusugan, edukasyon at early recovery efforts sa mga apektadong pook.
Nakapagbigay na ang iba't ibang ahensya ng may US$ 15.1 milyon para sa anim na buwang pinagsanib sa action plan. Mula noong Oktubre 15 hanggang Abril 15 ang action plan na ipinatutupad. Binago ng Humanitarian Country Team ang kanilang action plan ngayon.
Ani Carvalho, hindi basta matatalikuran at malilimutan ang kalagayan ng mga biktima ng lindol at hagupit ng bagyong tumama naman noong ika-walo ng Nobyembre.
Karamihan sa halos 368,000 mga mamamayang napinsala o nawalan ng mga tahanan ang naninirahan sa mga napinsalang bahay o mga tolda. Karaniwan pa rin ang aftershocks kaya't kailangang magkaroon ang mga biktima ng mas ligas na kalalagyan. Palipat-lipat sila mula sa mga napinsalang tahanan patungo sa mga tolda samantalang sag ma pagbahang naganap dala ng patuloy na pag-ulan ang nakadagdag sa kanilang problema.
Bagama't halos lahat ng mga mag-aaral ang nakabalik na sa kanilang mga paaralan, mayroon pa ring 839 na silid-aralan ang nasa temporary learning spaces samantlang hindi pa naitatayo ang mga bagong gusali.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |