|
||||||||
|
||
International Finance Corporation, kabalikat ng Kagawaran ng Pagsasaka
KASAMA na ang International Finance Corporation, isang kasapi ng World Bank Group, sa mga tumutulong sa Kagawaran ng Pagsasaka upang mapataas ang antas ng pagsusuri at quarantine procedures sa mga produktong lokal at mula sa ibang bansa tulad ng karne, isda at mga halaman sa ilalim ng limang taong palatuntunan.
Maitataas ang antas ng food safety at makakatulong sa may 1,500 agribusinesses at makakabawas ng may US$ 12 milyon sa gastos sa pagtugon sa import at safety requirements.
Makakatulong ang IFC sa pamamagitan ng pagpapayo sa trade practices at pagtutuon ng pansin sa inspection ng mga paninda at produkto na mayroong halaga sa reputasyon ng mga produktong Pilipino. Magkakaroon ng on-line system sa pagbabahaginan ng datos sa mga peligrong mula sa agri-fishery products na makaapekto sa tao, halaman at hayop.
Sinabi ni Kalihim Proceso Alcala na ang mga reporma sa trade logistics ay malayo ang mararating at mangangailangan ng kaukulang feedback mula sa mga stakeholders.
Nais din ng Pilipinas na maipagmalaki ang lahat ng mga produktong gawa sa bansa ay ligtas sa anumang mga peste at sakit at handa na rin ang bansa para sa ASEAN integration sa 2015.
Ayon kay Jesse Ang, ang resident representative ng IFC, ang palatuntunang ito ang makakabawas sa halaga ng pagtugon sa quarantine requirements at maglalaan ng access sa madla sa import at export trade data para sa mas maayos na risk management at trade analysis.
Ang pagtutulungang ito ng IFC at ng Kagawaran ng Pagsasaka ay suportado rin ng Pamahalaan ng Canada.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |