|
||||||||
|
||
melo
|
Ito ang kanyang sinabi sa mga mamamahayag sa isang ambush interview sa pagpapasinaya ng Estero sa San Miguel project sa Maynila kanina. Dadalaw si Pangulong Aquino sa ika-27 hanggang ika-28 ng Pebrero at pag-uusapan ang tungkol sa kalakalan, peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front at ang pagkakakitaan ng mga taga-Mindanao.
Subalit ipagtatanong niya ang kalagayan ng mga Pilipinong dinakip sa pagkakasangkot sa Sabah standoff.
Ang Malaysia ang third party facilitator para sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front.
Noong 2013, sumalakay ang mga tagasunod ni Sultan Jamalul Kiram III, ang tagapagmana ng Sulu Sultanate at iginiit ang paghahabol sa Sabah na kinikilala ng Malaysia na isa sa 13 estado.
Ayon kay Pangulong Aquino, maliwanag sa kanya na ipinatatapon pabalik sa Pilipinas ang mga Pilipinong walang kaukulang work permits.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |