|
||||||||
|
||
Tulong ng pamahalaan, 'di sapat
SINABI ni Borongan Bishop Crispin Varquez na hindi nagtagumpay ang pamahalaan sa layunin nitong magbigay na sapat na tulong sa mga biktima ni "Yolanda" na tumama sa kanyang nasasakupan may tatlong buwan na ang nakalilipas.
Maliban sa kontrobersyal na bunkhouses, wala pang nakikitang konkretong rehabilitation programs sa Eastern Samar.
Anang obispo, madalas siyang dumalaw sa mga apektadong pook subalit tanging bunkhouses lamang ang kanyang nakikitang konkretong nagawa ng pamahalaan.
Kahit umano hinirang na si dating Senador Panfilo Lacson bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery ay wala pang mga palatuntunan.
Wala umanong pabahay at walang kabuhayan. Wala umanong nababanaag na liwanag ang mga biktima ni Yolanda tungo sa kanilang rehabilitation at recovery.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |