|
||||||||
|
||
Senior high school, pinaghahandaan na ng Kagawaran ng Edukasyon
NAGTIPON sa Teachers' Camp sa Baguio City ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon upang paghandaan ang pagpapatupad ng Senior High School. Ang pinakahuli sa serye ng mga pagtitipon mula noong 2013.
Kabilang sa pag-uusapan ang curriculum ng senior high school at pagpaplano para sa aktuwal na pagpapatupad ng bagong programa sa bawat rehiyon.
Ayon kay Undersecretary for Regional Operations Rizalino Rivera, sa paglapit ng taong 2016, kailangang magbahaginan ng mga kaisipan at mga karanasan.
Ang senior high school ay kilala rin sa pangalang Grade 11 and Grade 12 na nahahati sa apat na larangan, ang technical-vocation, academic, sports at arts and design na makapaghahanda sa mga magtatapos para sa higher education.
Nanawagan na rin si Kalihim Bro. Armin Luistro sa mga pribadong paaralan na maglaan ng mga senior high school programs na ipatutupad sa kanilang nasasakupan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |