Mga kaibigan, ang maging expatriate, laowai ay hindi biro. Puno ito ng saya at lungkot. Masaya, dahil ikaw ay nasa ibang bansa, ang lahat ay bago sa iyong tingin, at ang iyong araw-araw na buhay ay parang isang adventure. Malungkot naman dahil malayo ka sa iyong bayan, pamilya, at kaibigan; hindi mo rin nakakain ang iyong mga paboritong pagkain at nabibigkas ang iyong sariling wika. Sigurado ako, marami sa mga kababayan nating nasa ibang bansa ang nakakaranas ng ganito. Ayon sa ilang kilalang magazine dito sa Tsina, mayroong ilang mga bagay na hindi raw nagagawa o nahihirapang gawin ng mga expat o laowai na naririto sa bansa. Narito po ang isang programa para ipabatid sa inyo ang mga nararamdaman at karanasan ng mga laowai, na naririto sa Tsina.
Mga batang Laowai, nag-aaral ng Chinese Handwritting
1 2