Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, dadalaw sa Malaysia sa ika-27 ng Pebrero

(GMT+08:00) 2014-02-20 21:36:27       CRI

ISANG state visit ang gagawin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa darating na ika-27 ng Pebrero sa paanyaya ni Malaysian Prime Minister Dato' Sri Haji Mohammad Najib bin Tun Taji Abdul Razak.

Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, pag-uusapan nina Pangulong Aquino at Prime Minister Najib ang napipintong paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. Lumagda na ang Pilipinas at MILF sa Annex on Normalization, ang huli sa apat na annexes ng GPH-MILF Framework Agreement on the Bangsamoro noong ika-25 ng Enero sa Kuala Lumpur.

Malaysia ang namagitan sa Pilipinas at MILF mula noong 2001 at naging punong-abala sa mga paguusap sa Kuala Lumpur. Mga isyung may kinalaman sa politika, ekonomiya at defense cooperation ang kanilang pag-uusapan.

Nakatakdang magsalita si Pangulong Aquino sa Busines Opportunities Forum kasama ang mga kasapi ng Malaysian business community. Ihahayag niya ang mga naganap sa Pilipinas sa nakalipas na ilang taon.

Aanyayahan niya ang mga mangangalakal na magnegosyo sa Mindanao. Makakausap din niya ang mga pinuno ng Malaysian business at malalaking korporasyon.

Makakausap din niya ang mga Pilipinong nasa Malaysia. Sasalubungin siya ng Kanyang Karangalan, Seri Paduka Baginda Yang di-Pertuan Agong, ang head of state ng Malaysia na siya ring mamumuno sa isang malaking bangkete.

Ito ang unang pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Malaysia. Dumalaw sa Maynila si Prime Minister Najib noong ika-14 hanggang ika-15 ng Oktubre sa paanyaya ni Pangulong Aquino upang saksihan ang paglagda ng Framework Agreement on the Bangsamoro.

Magtatagal siya sa Kuala Lumpur ng hanggang Biyernes, ika-28 ng Pebrero.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>