Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, dadalaw sa Malaysia sa ika-27 ng Pebrero

(GMT+08:00) 2014-02-20 21:36:27       CRI

Panukalang pagbabago sa Saligang Batas, pinag-usapan na

SINIMULANG talakayin kahapon sa House Committee on Constitutional Reforms sa ilalim ni Congresswoman Mylene J. Garcia-Albano ang resolusyong akda ni Speaker Feliciano Q. Belmonte na nagmumungkahing buksan ang Saligang Batas upang masusugan ang ilang probisyong may kinalaman sa ekonomiya.

Ayon sa pahayag ng Mababang Kapulungan, sinabi ni dating Commissioner of the Preparatory Commission on Constitutional Reforms at Chairman ng Think-Tank, Inc., Margarito Teves na kailangang susugan ang mga probisyon sa ekonomiya ng Saligang Batas.

Kailangang magkaroon ng flexibility sa constitutional economic principles upang maging malawak ang benepisyo ng mga mamamayan sa anumang kaunlarang makakamtan.

Nais ng panukala ni Speaker Belmonte na dagdagagn ng "unless otherwise provided by law" ang ilang economic provisions ng 1987 Constitution. Ang proseso ay mangangailangan ng ¾ na boto ng Senate at House of Representatives na boboto ng hiwalay sa mga panukalang pagsusog. Mangangailangan iyo ng pag-sangayon ng mga mamamayan sa isang pambansang plebesito.

Suportado ni Pangulong Lacson ng Employers Confederation of the Philippines ang pagsusog sa aniya'y "restrictive economic provisions" sa pamamagitan ng Constitutional Convention at hindi sa pamamagitan ng constituent assembly, tulad ng hinihiling ng mga mambabatas na maglalagay ng mga katagang "unless provided otherwise by law."

Kung igigiit nila ang constituent assembly, lalabas na karaniwang batas lamang ang kanilang susugan at hindi ang saligang batas.

Ani G. Lacson, nararapat lamang kilalanin ng mga mambabatas ang ethical principle na nagsasabing "the end does not justify the means."

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>