|
||||||||
|
||
Mga mangangalakal, nababahala sa kalakaran sa trapiko, atbp.
DALAWANG lider ng mga mangangalakal ang nagpaabot ng pagkabahala sa mga palatuntunang ipatutupad ng pamahalaan na may koneksyon sa ipagagawang infrastructure projects sa Kamaynilaan.
Ayon kay G. Donald Dee, Honorary Chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, hindi solusyon ang pagpapatupad ng four-day workweek sapagkat magdudulot ito ng higit na pinsala kaysa sa biyaya sa kalakal at lalo't higit sa ekonomiya at mga manggagawa.
Sa pagpapatupad ng maraming-pagawaing bayan, nararapat mabawasan ang lawak ng pagtatrabahuhan, paghahatid at paglilipat ng mga kagamitan sa gabi at madaling-araw, pag-aayos ng secondary roads at pagdaragdag ng kapasidad ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit sa Kamaynilaan. Nararapat ding ipagpatuloy ang mga pag-aaral ng mga makabago at simpleng paraan upang mabawasan ang napakabagal na daloy ng mga sasakyang tatagal ng dalawa hanggang tatlong taon.
Sa panig ni G. Edgardo Lacson, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines, ang panukalang four-day workweek ay isang solusyong magdudulot ng ibayong suliranin. Ang Pilipinas ang katatagpuan ng pinakamababang productivity level sa Asia dahilan sa dami ng fiesta official na madaragdagan pa ng 52 non-working days.
Idinagdag pa ni G. Lacson na lalong bababa ang productivity rate ng Pilipinas.
Tataas din ang mga peligro na magkaroon ng mas maraming sakuna sapagkat ang mga manggagawa sa mga pabrikang may mga makinarya ay magtatrabaho sa mas matagal na panahon, at katatagpuan ng kawalan ng focus sa paglilingkod ng may 10 oras sa loob ng apat na araw.
Inihalimbawa pa ni G. Lacson ang mga ina na kailangang umuwi kaagad matapos magtrabaho ng walong oras upang maghanda ng pagkain at magturo sa kanilang mga supling ay hindi na makagaganap ng kanilang gawain bilang ina o ilaw ng tahanan kung tatagal ang trabaho at aabot sa 10 oras.
Idinagdag pa niya na ang iba't ibang kalakal ay may iba't ibang pangangailangan. Ang pagtatalaga ng apat na araw na trabaho sa bawat linggo ay maksasama sa produksyon. Ani G. Lacson, hindi umano ito practical.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |