|
||||||||
|
||
Konsiyerto ng kaisa-isang Bamboo Organ sa daigdig sisimulan na
MATUTUON na naman ang pansin ng daigdig sa tanyag na Bamboo Organ ng Las Piñas sa pagsisimula ng mga konsiyerto na tatagal ng limang gabi.
Nasa ika-39 na taon na, ang Bamboo Organ Music Festival ay katatagpuan ng mga alagad ng musika sa Pilipinas at mga banyagang manunugtod. Magugunitang nagsimula ang konsiyerto noong 1975 matapos ayusin ang bamboo organ sa Alemanya.
Ayon kay Dr. Armando Salarza, ang titular organist ng Las Pinas, itinatanghal na yaman ng bansa, ang Bamboo Organ ang siyang nagpapagunita ng kakayahang pagmulan ng mga obra maestra ng mga alagad ng musika. Maihahambing ito sa Statue of Liberty sa Estados Unidos at Eiffel Tower sa Francia.
Magbubukas ang konsiyerto ngayong gabi at susundan ng pagtatangal sa Biyernes, ika-21 at sa Miyerkoles, ika-26. Sa Sabado, ika-22, magkakaroon ng "Concert Under the Trees" na pangungunahan ng mang-aawit na si Jed Madela.
May pagtatanghal din sa Linggo, ika-23 sa "Evening of Organ Music" na katatampukan ng mga komposisyong mula kay Johann Sebastian Bach sa pamamagitan ni Maestro Colin Andrews na mula sa Indiana University.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |