|
||||||||
|
||
20140227ditorhio.m4a
|
Mga pengyou, ang isyu ng women empowerment ay isang kampanya at paninindigang patuloy na inilulunsad ng ibat-ibang sektor ng lipunan sa buong mundo, partikular iyong mga feminists sector. Dito po sa Tsina, ganyan din ang situwasyon. Ibat-ibang aktibidad ang ginawa, ginagawa, at patuloy pang gagawin ng mga kababaihang Tsino upang iparining ang kanilang tinig sa maraming klase ng isyu, lalung-lalo na sa mga isyung may-kinalaman sa pantay na pagtrato ng pamahalaan at lipunan sa mga lalaki at babae, karapatan ng mga kababaihan sa pagpapayahag ng kanilang saloobin sa usapin ng kasarian o sex, etc. Kamakailan, itinanghal dito sa Beijing ang isang play na kung tawagin ay Vagina Monologue.
Ang Vagina Monologue ay isang episodic play na isinulat ni Eve Ensler at ito ay nagsimulang ipalabas sa Off Broadway Westside Theater noong 1996. Mula noon, ito ay naitanghal na sa buong mundo, at isang television version din ang iprinodyus ng HBO hinggil dito.
Ito ay binubuo ng ibat-ibang uri ng monologue at binabasa ng ibat-ibang babae. Noong una, si Ensler ang nagbabasa nito, pero sa katagalan, sumali na rin ang ibang mga aktres sa pagbasa nito. Bawat monologue ay tungkol sa isang aspekto ng pagiging babae, at ito tumatalakay sa mga usaping tulad ng sex, love, pagkakaroon ng buwanang dalaw, female genital mutilation, masturbation, panganganak, orgasm, ibat-ibang pangalan ng kasarian ng babae, at iba pang aspekto ng katawan ng babae. Ang tema ng Monologue ay umiikot: sa ari ng babae o Vagina, bilang isang bahagi ng katawan upang mabigyan ng tinig ang mga kababaihan at isa ring kagamitan tungo sa pagkakaroon ng pantay na pagtingin ng lipunan sa mga kalalakihan at kababaihan.
Bilang pagsuporta sa Vagina Monologue, 17 babaeng estudyante mula sa Beijing Foreign Studies University (BFSU); isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa Tsina, ang nag-post ng kanilang mga litrato sa Renren, isang social networking site. Sa kanilang mga larawan, hawak nila ang mga karatula kung saan nakalagay ang mga mensaheng tulad ng "My Vagina Says: I Want Freedom," "My Vagina Says: Don't Treat Me Like a Sensitive Word," "My Vagina Says: 'I Can Be Sexy, But You Can't Harass Me," "My Vagina Says: Enter, Only If I Say So," "My Vagina Says: Virginity is Useless," "My Vagina Says: It is Open for Business," etc. Dahil dito, nagkaroon ng mainit na debate sa social network ng Tsina. Maraming mga kalalakihan at konserbatibo ang nag-post ng mga negatibong komento tungkol sa mga estudyanteng ito.
Maraming lalaking internet user ang nag-post ng mga komentong mapanghusga sa 17 estudyante ng BFSU. Mayroon ding ilan na ikinumpara ang mga estudyanteng ito sa mga prostitute. Narito po ang ilan sa mga komento mula sa Weibo, ang Facebook at Twitter ng Tsina:
王小墨2013:(Wang Xiaomo 2013)
Looks like women's rights [female empowerment] still has a long road in China.
黄山下的愚民:(Huang Shan Xia de Yu Min)
I support fighting for female empowerment, but there should be a more elegant way to express it.
红猫代理上尉:(Hong Mao Dai Li Shang Wei)
May I ask who is prepared to marry these feminists?
Taoist_Mua:
The quality of girls at Beijing Foreign Studies University can't have been reduced to this level, has it…? Seeing their faces, I've lost all interest in their vaginas…
数星星的彼得:(Shu Xing Xing de Bi de)
Wouldn't having an orgasm be what they want the most?
骑鼠追猫本尊:(Qi Shu Zhui Mao Ben Zun)
What does female empowerment have to do with their vaginas?!
兔子薇莪菈:(Tu Zi Wei E La)
Women view their body from their own eyes and not from men's eyes, that's all they are doing, I do see anything extreme about it.
桃木卷轴:(Tao Mu Juan Zhou)
This method will not make people truly respect women, and it has nothing to do with female empowerment, gender equality, etc.
Maliwanag pong mayroong dibisyon sa pagtingin ng mga Tsino, hinggil sa pag-unawa ng mga kababaihan sa kanilang mga katawan, at kung paano nila ipahayag ang kanilang mga naisin.
Ang pagkakaiba ng pananaw sa pagitan ng mga edukadong kababaihan ng Tsina st BFSU, na pabor sa peminismo; at ng mga Chinese netizen na nanghusga sa ginawa ng mga kolehiyalang ito ay nakakabagabag. Sa kabilang dako, sa punto de-bista ng isang bukas ang pag-iisip, ang nasabing insidente ay maaari ring maging pagkakataon para pag-usapan ng lipunang Tsino ang isyu ng peminismo, kasarian, at karahasan laban sa mga kababaihan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |