|
||||||||
|
||
20140306ditorhio.m4a
|
Mga pengyou, natatandaan po ba ninyo ang pelikulang "My Amnesia Girl," kung saan gumanap ng leading role sina John Lloyd Cruz at Toni Gonazaga? Well, ito po ay ipinalabas sa Pilipinas noong 2010, at ito rin ang highest grossing Filipino film noong taong iyon.
Siguro, nagtataka kayo kung bakit ko naitanong kung natatandaan pa ninyo ang pelikulang ito, ano? Kasi po, noong nakaraang Biyernes, ipinalabas ang My Amnesia Girl dito sa Beijing, at maraming mga Tsino ang napahanga, napatawa, at napaiyak ng pelikulang ito.
Bakit ipinalabas ang "My Amnesia Girl" sa Beijing? Ito kasi ay bahagi ng "2014 Cultural Program" ng Philippine Embassy sa Beijing, upang maibahagi at maipakita sa mga Tsino ang mayamang cinematographic heritage ng Pilipinas. Ito rin siyempre ay upang mapatibay ang pagkakaibigan at pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng Tsina't Pilipinas sa pamamagitan ng pag-unawa sa kultura ng bawat isa.
Para po doon sa mga hindi nakapanood ng My Amnesia Girl at doon sa mga nakapanood, pero, hindi na ito natatandaan; ito po ay kuwento ng muling panliligaw ni Apollo (John Lloyd Cruz) kay Irene (Toni Gonzaga), matapos niya itong iwanan sa altar, sa araw ng kanilang kasal. Pagkaraan ng 3 taon, muli silang nagkita, at na-realize ni Apollo na mahal pa rin niya si Irene.
Para makaganti sa ginawa ni Apollo, nagkunwari si Irene na may amnesia dahil sa isang aksidente noong araw ng kanyang nabigong kasal, at hindi na niya natatandaan ang lalaki.
Pero, determinado si Apollo na muling ligawan si Irene dahil gusto niyang makabawi sa ginawa niyang kasalanan. Diyan po umikot ang kuwento ng pelikula. Ang My Amnesia Girl ay pelikulang idinirekta ni Cathy Garcia-Molina.
Embahador Erlinda F . Basilio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |