|
||||||||
|
||
你nǐ叫jiào什shén么me名míng字zì Anong pangalan mo
wikang Tsino aralin bilang isa
|
你nǐ好hǎo, mga giliw na tagasubaybay! Halikayo sa programang Pang-araw-araw na Wikang Tsino. Pagkaraang bumati, baka gusto ninyong malaman kung ano ang pangalan ng inyong binati. Paano ito sasabihin sa wikang Tsino? Ito ay你nǐ叫jiào什shén么me名míng字zì? Anong pangalan mo?
你nǐ, ka o ikaw.
叫jiào, tawag.
什shén么me, ano.
名míng字zì, pangalan.
Yok: 名míng字zì
Narito po ang usapan:
A:你nǐ叫jiào什shén么me名míng字zì? Anong pangalan mo?
B:我wǒ 叫jiào王wáng龙lóng。Ako si Wang Long.
A: 你nǐ叫jiào什shén么me名míng字zì? Anong pangalan mo?
B:刘liú 陆lù。Liu Lu.
Bilang sagot sa "ano ang pangalan mo," maari mong sabihing我wǒ叫jiào kasunod ang iyong pangalan, o maari rin namang basta banggitin mo lang ang iyong pangalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |