|
||||||||
|
||
Makati Business Club, umaasang maganda ang 2014
KAHIT may nababanaag na mas mataas na inflation ngayong 2014, karamihan ng mga kasapi ng Makati Business Club na lumahok sa First Semester 2014 Executive Outlook Survey, ang umaasang mapapanatili ng bansa ang 7.2% kaunlaran sa Gross Domestic Product.
Sinabi ni Executive Director Peter Perfecto na nakikita ng karamihan ng mga kasapi ang mas magandang pagkakataon sa larangan ng investments, exports at imports na siyang magdadala ng kaunlaran. Walang kumpanyang nagsabing umaasa silang bababa ang kanilang kalakal ngayong 2014. Wala ring mga kasapi ng Makati Business Club ang nagbabalak magtanggal ng mga manggagawa ngayong 2014.
Ginawa ang survey mula ikatlo ng Pebrero hanggang ika-anim ng Marso. May 52% sa mga senior executives na dumalo ang nagsabing mananatili ang GDP growth sa 7.2%. May 30% sa mga sumagot ang umaasang magkakaroon ng mas mataas na GDP growth samantalang 34% ang nasabing hindi magbabago ang datos ngayong 2014 at isang porsiyento lamang ang nasabing babagal ang anumang kaunlarang matatamo ng bansa.
May 64% ng mga negosyante ang nagsabing mas mataas ang headline inflation ngayong taon kaysa sa natamong 3% noong 2013. May 34% ang nasabing walang anumang pagbabado samantalang may 1% naniniwalang bababa ang inflation.
Tungkol naman sa yearend peso-dollar rate, 36% ang umaasang magkakaroon ng depreciation ang currency rate sa American dollar sa pagkakaroon ng average na 4.5% mula sa P44.40 sa bawat US dollar. Mayroong 33% naman ang naniniwalang mananatili ang peso-dollar exchange rate ngayong hanggang sa Disyembre. Halos 29% ang umaasang higit na magkakahalaga ang piso laban sa dolyar ng may 6.7%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |