|
||||||||
|
||
Spanish Foreign Minister, dadalaw sa Maynila sa Lunes
DARATING sa Lunes si Spanish Foreign Minister Jose Manuel Garcia-Margallo sa paanyaya ni Kalihim Albert F. Del Rosario.
Kasama niya ang kanyang maybahay at mga opsiyal mula sa Spanish Ministry of Foreign Affairs and Cooperation (MAEC), Spanish International Cooperation and Development Agency (AECID) at Spanish Economic Ministry. Kasama rin ng ministro ang mga chief executive officer at mga kinatawan ng 15 major Spanish businesses.
Makakaharap niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Finance Secretary Cesar Purisima. Pag-uusapan nina Minister Margallo at Kalihim del Rosario ang bilateral issues ng dalawang bansa. Magsasalita rin si Minister Garcia-Margallo sa harap ng Makati Business Club. Sa isang pananghalian, ihahayag ng panauhin ang Marca Espana na pinagtutuunan ng pansin ng kanilang pamahalaan.
Dadalaw din siya sa Tacloban sa Martes, sa isang paaralan sa Bangkal sa Makati at mamumuno sa pagpapasinaya ng Humanitarian Assistance Emergency Warehouse project sa Clark International Airport.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |