|
||||||||
|
||
Matapos ang higit sa apat na buwan, may rehabilitation program na sa larangan ng pagsasaka
NANAWAGAN si Agriculture Secretary Proceso J. Alcala na ipatupad ang rehabilitation program sa Silangang Kabisayaan.
Hinirang niya si Director Asis Perez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mamuno sa rehabilitation initiatives at makipagtulungan sa mga tauhan ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Region VIII.
Prayoridad nila ang clearing operations sa ilalim ng coconut rehabilitation plan. Lilinisin ang may 390,000 puno sa loob ng 75 araw upang makapagtanim na muli at magkaroon ng intercropping ng mais, kamote, gulay at iba pang high value crops. Lilinisin ang may 3,900 ektarya, dagdag pa ni Kalihim Alcala.
Magkakaroon ng 520 chainsaw operators at may target na 5,200 puno ng niyog bawat linggo. Walang trabaho sa bawat araw ng Linggo at sa Semana Santa.
May 200,000 mga coconut seedlings ang itatanim samantalang gagamitan ng mga pataba ang may 75,000 mga natirang puno ng niyog. Mayroon ding 800 ektaryang lupaing mapapasailalim ng inter-cropping.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |