Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xun, Luo at Gu

(GMT+08:00) 2014-03-21 16:21:17       CRI

Itutuloy natin ang ating kuwentuhan, at papasadahan natin ang dalawa pang uri ng instrumentong Tsino: ang Xun, tipikal na wind musical instrument, at Luo at Gu, tipikal na percussion musical instruments.

Ang Xun

Ang Xun ay isa sa mga pinakamatandang wind instrument ng Tsina. Ito ay mayroon nang pitong libong taong kasaysayan.

Ang unang mga Xun ay yari sa bato o buto ng hayop, pero, kasunod ng paglipas ng panahon, luwad na ang ginamit ng mga tao pagyari ng Xun. Ibat-iba ang hitsura ng mga unang Xun, nguni't marami ang hugis peras.

Sa itaas ng Xun ay may isang butas na ginagamit na mouthpiece at ang ibabang bahagi nito ay patag, samantalang sa gilid ay may isang butas.

Ayon sa alamat, ang Xun ay nagmula sa isang kasangkapan sa pangangaso. Noong sinaunang panahon, ginagamit na pangaso ng mga tao ang mga nakataling bato o hungkag na bolang putik. Kapag ang bolang hungkag ay sinimulang iwasiwas, ito'y gumagawa ng ingay. Dahil dito, sinubok ng mga tao na hipan ang mga hungkag na bolang ito. Nang maglaon, ito ay naging isang simpleng instrumentong musikal—ang Xun.

Noong dekada treinta (30), sinimulan ni propesor Can Zheng ng Chinese Conservatory of Music ang pagsubok-yari ng Xun, batay sa mga sinaunang uri nito; at kalauna'y batay sa sinaunang Xun na may anim na butas. Sinubok-yari naman ni Propesor Cheng Zhong ng Tianjin Conservatory of Music ang isang bagong tipo ng Xun na may siyam na butas. Itong bagong tipong ito ang nagpanatili ng kalidad ng tono at anyo ng mga tradisyonal na Xun at kasabay nito, nagpalakas ng bolyum ng tono at nagpalawak ng tone range.

Di nagtagal, isang estudyante ni Propesor Chen Zhong na nagngangalang Zhao Liangshan ang matagumpay na nagsubok-yari ng Xun na may 10 butas at nagpuno sa kakulangan nito sa pagtugtog ng matataas na tono.

Pakinggan natin ang isang obra ni Zhao Liangshan, na pinamagatang Camel Song o Luo Tuo Song.


Ngayon, hayaan naman ninyong ihandog namin sa inyo ang obrang pinamagatang Shepherd Su Wu.


Ang narinig ninyong obra ay tungkol sa national integrity. Si Su Wu ay isang opisyal noong Han Dynasty. Ipinadala siya ng emperador sa Xiongnu, isang nasyonalidad ng Tsina noong panahong iyon, para sa isang dalaw-pangkaibigan. Nang makarating siya sa lugar na iyon, sapilitan siyang ikinulong sa Xiongnu. Ayaw ni Su Wu na sumang-ayon. Kaya, ipinatapon siya sa Lake Baikal bilang pastol. Kapag nauuhaw, umiinom siya ng yelo; kapag gutom, kumakain siya ng balat ng tupa. Labing-siyam (19) na taong ganito ang naging takbo ng buhay ni Su Wu. Nang pumanaw ang puno ng Xiongnu, bumalik si Su Wu sa Han Dynasty. Matanda na siya at puti na ang lahat ng buhok.

Ang Luo

Ang Gu

Pumunta naman tayo sa dalawang uri ng percussion musical instruments—ang Luo at Gu.

Bakit namin isasalaysay nang magkasama ang dalawang instrumento? Kasi, sa Tsina, palagiang magkasamang tinutugtog ang Luo at Gu. Sa wikang Tsino, may mga idioms tungkol sa Luo at Gu, gaya ng Qiao Luo Da Gu, Luo Gu Xuan Tian, at iba pa, na nangangahulugang malaking tinig sa mga enggrandeng okasyong gaya ng lion dance, kasal, at aktibidad ng mga pangkat pansayaw.

Ang unang mga gumamit ng Luo sa Tsina ay ang mga pambansang minorya na naninirahan sa rehiyon ng timog kanlurang Tsina. Pagpasok ng ikalawang siglo, kasunod ng mas malimit na pagpapalitan ng kultura ng iba't ibang nasyonalidad, ang Luo ay unti-unting pumasok sa interyor ng Tsina.

Ang Luo ay ginamit sa iba't ibang lugar at okasyon, kaya sa proseso ng pag-unlad nito sa mahabang panahon, lumitaw ang iba't ibang uri ng Luo. Hanggang ngayon, may mahigit 30 uring matatagpuan sa iba't ibang purok, nguni't dalawang uri lang ang palagiang ginagamit: Daluo at Xiaoluo o malaking gong at maliit na gong.

Ang Daluo ay 30 hanggang 100 sentimetro ang diyametro, at isa ito sa pinakamalaking uri ng Luo. Ang tunog nito ay malawak at malalim, malambot at mahimig ang tone flavor, at mahaba ang alingawngaw nito.

Ang Xiaoluo naman ay may tatlong uri, ayon sa taas ng tono: Gaoyinluo na mataas ang tono, Zhongyinluo na katamtaman ang tono at Diyinluo na mababa ang tono. Ang tatlong uring ito ay 21 hanggang 22.5 sentimetro ang diyametro. Ang mga ito, pangunahin na, ay ginagamit na pansaliw sa mga opera, iba't ibang porma ng folk performing art at mga sayaw-bayan.

Mayroon ding Luo sa Pilipinas. Tinatawag itong agung.

Ang Gu o tambol naman ay isa sa mga popular na percussion instrument ng Tsina. Maagang isinilang ang Gu, at ito ay may mga 3,000 taong kasaysayan. Noong sinaunang panahon, ang Gu ay hindi lamang ginagamit sa mga aktibidad na gaya ng pag-aalay ng sakripisyo, awit at sayaw, ginagamit din ito sa panahon ng digmaan at sa pananakot ng mga hayop. Ang Gu ay ginagamit din noong sinaunang panahon bilang kasangkapan sa pagbibigay-alarma.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Erhu at Guqin 2014-03-21 10:32:42
v Ang kuwento ni Liu Sanjie 2014-03-21 10:18:35
v Peking Opera 2014-03-10 17:21:58
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>