|
||||||||
|
||
Pagkakaroon ng patas na kalakalan, tiniyak
MAKATITIYAK ang mga mangangalakal ng patas na pagtrato mula sa Aquino Administration. Ito ang buod ng talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III pagkatapos manumpa ng mga pinuno ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Employers Confederation of the Philippines, Philippine Exporters Confederation, at Anvil Business Club sa Malacañang kanina.
Ani Pangulong Aquino, matagumpay ang pamahalaaan sa nakalipas na ilang taon.
Kabilang sa mga natamong tagumpay ang iba't ibang competitiveness rankings at investment upgrades mula sa kilalang credit ratings agencies.
Tiniyak ni Pangulong Aquino na handang makinig ang pamahalaan sa mga hinaing ng mga mangangalakal at magiging patas sa pagtrato sa mga sektor ng kalakal.
Nanawagan siyang tiyakin ng mga mangangalakal na mayroong maayos na kompetisyon sa pamilihang lokal upang magkaroon ng magandang business environment.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |