|
||||||||
|
||
Transparency, tiniyak ng NASSA
BUKAS ang National Secretariat for Social Action, Justice and Peace sa mga magtatanong kung saan nakarating ang donasyong nagkakahalaga ng US$ 7.7 milyon para sa mga nasalanta ni "Yolanda."
Sinabi ni Fr. Edu Gariguez, executive director ng NASSA na mayroong accounting procedures na sinusunod ang kanilang tanggapan.
Mayroon ding monitoring system upang mabatid kung saan nakarating ang donasyong mula sa Caritas Internationalis sapagkat may sapat na auditing procedures ang mga external auditors na sumusunod sa international standards.
Tiniyak ng pari na inilalathala nila ang kanilang mga pag-uulat upang matiyak ang full transparency. Magsisimula na sila ng rehabilitation programs sa siyam na diyosesis na nasalanta ni "Yolanda."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |