|
||||||||
|
||
Alert Level sa Thailand, ibinaba na
SA desisyon ng pamahalaan ng Thailand na alisin na ang state of emergency sa Bangkok at mga kalapit-pook mula noong Miyerkoles, ika-19 ng Marso, ibinaba na ni Kalihim Albert F. Del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang Crisis Alert Level 2 at ginawa na lamang na Crisis Alert Level 1.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ang mga Pilipino sa Bangkok at mga lalawigan ng Nonthaburi, Lad Lum Kaew District ng Pathumthani Province at Bang Phli District ng Samuprakan Province ang pinapayuhang maging maingat.
Walang pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ilalim ng Alert Level 1.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |