Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, isang tagumpay

(GMT+08:00) 2014-03-27 18:44:55       CRI

PINASALAMATAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang magkabilang panig sa pag-uusap na nagwakas sa paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na mas maraming nararapat gawin at umaasa siyang magkakaroon ng isang mapayapa, maunlad at malawakang Bangsamoro para sa lahat.

PANGULONG AQUINO, NAKIPAG-USAP SA LUPON NG PILIPINAS AT MILF.  Bago naganap ang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, humarap ang dalawang lupon sa Palasyo Malacañan kanina.  Nakasama sa pagpupulong sina MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim at Executive Secretary Pacquito Ochoa.  (Malacanang Photo)

Idinagdag pa niya na sa pagbabalik-tanaw sa araw na ito, magkakaroon ng pagmamalaki para sa lahat sa natamong tagumpay, subalit mas maraming kailangang gawin sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa masasakop ng Bangsamoro.

Samantala, sinabi ni Al Haj Murad Ebrahim, chairman ng Moro Islamic Liberation Front na isang malaking tagumpay para sa mga Bangsamoro ang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Palasyo Malacañan kaninang ika-apat na hapon.

Sa kanyang talumpati bago lumagda ang Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa kasunduan, sinabi ni G. Ebrahim na isang pagtatagumpay ito para sa mga Bangsamoro at mga Filipino.

Naibalik ng CAB ang kanilang pagkatao, poder at yaman ng mga Bangsamoro. Ito umano ang bunga ng kanilang pakikipaglaban. Tiniyak din niyang hindi magkakaroon ng monopolyo sa poder sa mga Bangsamoro, na bagong political identity na mabubuo dahilan sa kasunduan.

Idinagdag pa ni G. Murad na hindi magkakaroon ng pamahalaan sa ilalim ng MILF at ito'y para na rin sa Moro National Liberation Front at sa mga tribung Muslim, sa mga Kristiyanong naninirahan at mga katutubo sa panukalang Bangsamoro territory.

Sa pagkakaroon ng kasunduan, wala ng dahilan upang gumamit pa sila ng sandata, dagdag pa ni G. Murad.

Sa panig ni Kalihim Teresita Quintos-Deles, ang presidential adviser on the peace process, ang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ang isang pagyakat sa kapayapaan at pagtatakwil sa pakikidigma.

Ani ni Gng. Deles, ang CAB ang nagtatapos sa 17 taong peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF na magiging dahilan ng pagkakaisa ng buong bansa.

Dumating sa Maynila si Malaysian Prime Miister Dato Sri Mohd Najib bin Tun Aji Abdul Razak makapananghalian upang sumaksi sa paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at MILF. Sinalubong siya sa Villamor Air Base ni Kalihim Albert F. Del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.

Sakay siya ng isang arkiladong eroplano mula sa Kuala Lumpur at dumating kaninang pasado alas dose ng tanghali.

Malaysia ang naging third-party negotiator sa peace negotiations.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>