Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, isang tagumpay

(GMT+08:00) 2014-03-27 18:44:55       CRI

Konsultasyon, nararapat ipagpatuloy

HIGIT na madadali ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao kung magpapatuloy ang malawakang konsultasyon at magsasagawa ng isang tapat, bukas at mapagkakatiwalaang pag-uusap na katatampukan ng iba pang mga komunidad sa Mindanao, lalo na't mayroong nakadarama ng kapabayaan tulad ng Moro National Liberation Front.

Ito ang mensahe ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paglagda ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Malacañan.

Sa mensaheng inilabas kaninang umaga, sinabi ni Arsobispo Villegas na tulad ng karamihan ng mga Pilipinong naghahangad ng kapayapaan, natutuwa ang CBCP sa magkakaroon ng makasaysayang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at MILF. Malayo ang mararating ng mga taong naglalakas loob na humakbang. Ipinapanalangin ng CBCP na ang unang hakbang na ito ay masusundan pa ng mas maraming hakbang tungo sa tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Ani Arsobispo Villegas, napakahalagang maging matatag ng kapayapaan upang makasakop ng mas maraming mga mamamayan. Ang katuturan ng lalagdaang kasunduan ay matatagpuan sa kakayahang marating ang lahat kabilang na ang mga 'di sumasang-ayon sa kasunduang ito.

Ang patuloy na pakikipag-usap sa lahat ang magpapalakas at magpapatibay ng kapayapaan.

Kailangang madama ang sigla sa larangan ng ekonomiya sa Mindanao. Walang anumang kapayapaan kung walang kaunlarang magaganap sa mga mamamayan. Ang kaunlaran at ang pagsusulong ng kabutihan ng mga mamamayan ay lubhang nagtagal. Hindi na ito makapaghihitay sapagkat ang mga taga-Mindanao ay matagal ng naghirap.

Ipinalangin ni Arsobispo Villegas na ang lahat ng sangkot sa kasunduan ay maging padaluyan ng kapayapaan sapagkat ang mga naghahangad at gumagawa ng paraan upang maghari ang kapayapaan ay mga tunay na anak ng Diyos, dagdag pa ng Arsobispo ng Lingayen-Dagupan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>