|
||||||||
|
||
British ambassador, bumati sa magkabilang panig
MALAKING bagay ang paglahok at suporta ng mga Kristiyano, mga Lumad at mga Muslim mula sa Mindanao at mga mambabatas, mga kabilang sa civil society, international community at maging mga mamamahayag sa makasaysayang seremonya sa Malacañan kanina.
Ito ang pananaw ni British Ambassador Asif Ahmad sa naganap na paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. Naging mahalaga rin ang papel na ginampanan ng bansang Malaysia na kahit na nababalot sa pagluluksa sa pagkawala ng Malaysian Air flight MH 370 ay nakarating pa rin si Prime Minister Najib at nakasaksi sa seremonya.
Isang solusyong mula sa mga Pilipino ang CAB upang malutas ang 'di pagkakaunawaan at magdudulot ng biyaya hindi lamang sa Mindanao kungdi sa buong bansa. Maipagmamalaki rin ito ng lahing Pilipino.
Ayon kay Ambassador Ahmad, kalahok ang kanyang mga kababayan sa United Kingdom na tumulong upang matamo ang tagumpay na ito sa pagbubunyi sa makasaysayang seremonyang naganap kanina. Nakita na umano ang political maturity ng Pilipinas at kakayahang lutasin ang mga suliranin nito sa kanyang sariling paraan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |