|
||||||||
|
||
ASEAN Institute for Peace and Reconciliation, mahalaga ang papel na gagampanan
SINABI ni Kalihim Teresita Quintos-Deles na sa paghahanda ng mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations upang magkaroon ng nag-iisang economic community, nararapat lamang magpasalamat sa Poong Maykapal sa biyaya ng Kapayapaan upang nagkakaisang masabi na tinalikdan na ng rehiyon ang digmaan at handa ng maging isang komunidad at magbukas ng mga oportunidad para sa bawat isa. Ang sandigan nito, ayon kay Kalihim Quintos-Deles ay ang pagkakaibigan, pag-uunawaan at pagsasama-sama.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng pulong ng ASEAN Institute for Peace and Reconciliation sa Manila Peninsula Hotel kanina, binigyang diin ni Gng. Quintos-Deles na higit na magkakaroon ng kalayaan, sama-samang pag-unlad at pinag-isang seguridad sa buong rehiyon.
Kailangang magkaroon ng mga panannaliksik, pagsasanay at pagtutulungan para sa kapayapaan at tumulong sa conflict management at conflict resolution initiatives.
Nararapat ding balikan ang mga ginawang pagkilos tungo sa kapayapaan sa mga nakalipas na dekada at matutuo sa mga leksyonng itinuturo ng karanasan at pinakamagagandang nagawa at pagkakaisa kung paano haharapin ang mga hamon sa mga susunod na panahon.
Napapanahon ang pagpupulong, ayon sa panauhing tagapagsalita sa katatapos na paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na kinatampukan ng mga kababaihan sa negotiating table.
Malaking bagay ang kapayapaan sa Mindanao sapagkat nagkasama-samang muli ang mga pamilya, nakabalik na sa paaralan ang mga kabataan at nabubungkal muli ang mga sakahan.
Pinasalamatan din ni Gng. Quintos-Deles ang Malaysia, Brunei at Indonesia na naging third party facilitator at bahagi ng International Monitoring Team. Malaki rin ang suporta ng mga kasaping bansa sa ASEAN sa kanilang mga inilabas na statements of support.
Umaasa si Gng. Quintos-Deles na makakasama na rin ang mga Bangsamoro sa paglahok ng Pilipinas sa ASEAN community sa magandang kinatatayuan nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |