|
||||||||
|
||
Simbahan, hindi magbabago sa paninindigan
MALIWANAG kay Jaro (Iloilo) Archbishop Angel N. Lagdameo na nananalangin pa rin ang maraming alagad ng Simbahan na hindi makakapasa sa Korte Suprema ang kontrobersal na Reproductive Health Law.
Nakatakdang desisyunan ng Korte Suprema ang usapin ngayong linggong ito. Ipinaliwanag ni Arsobispo Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ang lahat ay nasasakop ng Moral Law na mula sa Panginoong Diyos.
Maging batas man ang Reproductive Health Law, magpapatuloy pa rin ang Simbahan sa pagsunod sa batas na iniuutos ng Diyos.
Lilinawin sa mga Katoliko ang batas ng Diyos tungkol sa pamilya at buhay tulad ng nilalaman ng reproductive health law. Bibigyang pansin ang kahalagahan ng mga itinuturo ng Simbahan, dagdag pa ni Arsobispo Lagdameo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |