|
||||||||
|
||
Mga bagong opisyal ng pamahalaan, nanumpa kay Pangulong Aquino
NANUMPA sa harap ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sina dating Tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, Asst. Secretary Raul S. Hernandez bilang Ambassador ng Pilipinas sa Timog Korea, Ambassador Petronila Garcia bilang Ambassador ng Pilipinas sa Canada at Joseph Gerald Angeles bilang Ambassador ng Pilipinas sa Timog Africa.
Sa ilalim ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nanumpa rin sina Undersecretary for Migrant Workers Jesus Yabes at Special Envoy of the President to the Gulf Cooperative Council Amable Aguiluz.
Nakasama rin sa panunumpa si dating AFP Chief of Staff Eduardo Oban at Marciano Paynor, Jr. bilang Undersecretaries sa Office of the Executive Secretary.
Nanumpa na rin sina Jess Anthony Yu bilang Undersecretary ng Presidential Communications Operations Office, Jose Emmanuel Reverente bilang Undersecretary ng Department of Finance, Edwin Carillo bilang Asst. Government Corporate Counsel sa ilalim ng Department of Justice, Victorio Mario Dimagiba bilang Undersecretary ng Department of Trade and Industry. Naitalaga na rin si Vice Admiral Rodolfo Isorena bilang three-star flag-officer ng Philippine Coast Guard. Nanumpa na rin si Atty. Louie Tito Guia bilang Commissioner ng Commission on Elections.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |