|
||||||||
|
||
melo
|
NAGPARAMDAM na ang mga dumukot sa isang turistang mula sa Tsina at isang kawani ng hotel sa may Semporna, Sabah, Malaysia. Humihingi na ang mga kidnapper ng RM 36.4 milyon upang palayain ang turistang mula Tsina.
Ito ang sinabi ni Home Minister Datuk Seri Zahid Hamidi. Ayon sa balitang lumabas sa The Star Online ng Malaysia, sinabi ng ministro na nakatanggap sila ng liham mula sa kidnapper na humihiling ng may P 500 milyon bilang ransom.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina, idinagdag pa ni Minister Zahid na nagpadala na sila ng isang koponan upang kausapin ang kinatawan ng grupo.
Idinagdag pa ni Zahid na walang ransom demand para sa kalayaan ng Filipinang si Marcy Dawaran, 40.
Magugunitang noong Miyerkoles, ikalawang araw ng Abril, ang turistang si Gao Hua Yan, 29 na taong gulang at si Dawaran na kawani ng hotel, ay dinukot ng pitong armadong pinaniniwalaang kabilang sa Abu Sayyaf group. Naganap ang abduction sa Singamata Reef Resort.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |