|
||||||||
|
||
Pilipinas, nakatanggap ng upgrade mula sa US Federal Aviation Administration
IBINALITA ng Department of Transportation and Communications na nakatanggap ng upgrade ang Pilipinas at natamo ang Category 1 Status mula sa US Federal Aviation Administration.
Nauna rito, ibinalita rin ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa pamamagitan ng social media ang pangyayaring ito samantalang naglabas ng isang pahayag ang FAA sa kanilang sariling website.
Noong 2008, ibinaba ng FAA ang Pilipinas sa Category 2 status dahilan sa pagkabahala sa pagpapatupad ng ilang safety standards. Ang downgrade ay nangangahulugan na bagama't makapaglalakbay ang mga eroplanong Pilipino patungo sa Estados Unidos, kailangang sumunod sa mahigpit na mga kautusan ng FAA.
Sa pagbabalik ng bansa sa Category 1 status, naalis na rin ang nalalabing negative rating sa Pilipinas, nangangahulugan itong ang mga eroplano mula sa PIlipinas ay maaring maglakbay o magpatuloy sa paglalakbay sa normal na paraan at makalahok sa code-share arrangements sa mga eroplanong mula sa Estados Unidos. Sa pagkakataong ito, higit na sisigla ang turismo at kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa pahayag ng Malacanang, pinuri nila ang DoTC at CAAP sa kanilang katapatan sa kanilang mga gawain na ituwid ang mga pagkukulang sa sektor na ito sa transportasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |