|
||||||||
|
||
Nawalan ng bisa ang RH Law
SINABI ni Fr. Ronaldo Quijano, Director ng Commission on Family and Life at Academic Dean ng Pope John Paul II National Institute for Studies on Marriage and the Family sa Bacolod City na kahit pa deklaradong ayon sa Saligang Batas ang RH Law, sa pagkawala ng Sections 7 at 23 ay nawalan na ito ng pangil.
Sa pag-aalis ng mahahalagang probisyon, ang mga Catholic institutions, mga pamilya, paaralan, mga pagamutan at mga pro-life health workers ar mga kawani ang makakalaya sa tinaguriang coercive at punitive aspects ng RH Law sa pagkilala sa kanilang mga karapatan at religious freedom kung tatanggi sila sa mandatory sex education para sa mga menor de edad.
Hindi inalis ng desisyon ang parental authority, bagkos ay pinalakas pa ito sa mga bata sa paghiling ng pahintulot ng mga magulang sa pagsasailalim sa mandatory sex education ng mga mag-aaral.
Tinanggihan din ng Korte Suprema ang RH privileges sa PhilHealth services, ayon pa kay Fr. Quijano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |