|
||||||||
|
||
Nilagdaang kasunduan ng Pamahalaan ng Pilipinas at MILF, natampok sa ASEAN Institute for Peace and Reconciliation
PINAGUSAPAN sa ASEAN Institute for Peace and Reconciliation ngayong linggong ito ang kalalagdaang Comprehensive (Peace) Agreement on the Bangsamoro.
Ibinahagi nina Prof. Miriam Coronel-Ferrer, chair ng Philippine Government Peace Negotiating Panel sa MILF at Tengku Dato' Abdul Ghafar Bin Tengku Mohamed ang kanilang mga karanasan na nagtapos sa paglagda noong nakalipas na buwan sa Malacanang. Binanggit nila ang kanilang mga inaasahang magaganap at mga hamong kinakaharap sa pagpapatupad nito.
Ang karanasan ng Pilipinas sa CAB ay bahagi ng limang sesyong kinatampukan ng mga pagtatanghal upang mabigyan ang konseho ng kaalaman sa peace and reconciliation initiatives na ginagawa sa rehiyon at sa buong daigdig. Layunin ding matamo ang pinakamagagandang nagawa sa peace and mediation efforts.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |