Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ligtas na paglalakbay, inaasahan ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2014-04-15 18:20:24       CRI

Ligtas na paglalakbay, inaasahan ng pamahalaan

PHILIPPINE COAST GUARD NANAWAGAN SA MANANAKAY. Binigyang-diin ni Commander Armand Balilo (kaliwa) ang kahalagahan ng pagsakay sa mga may prangkesang sasakyang-dagat kaysa mga colorum o walang pahintulot na maglayag. Ito ang kanyang mensahe sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat. Nasa gawing kanan si Atty. mary Ann T. Salada, Head Executive Assistant ng Land Transport Franchising and Regulatory Board. (Raymond Bandril)

PAMAHALAAN, KUMIKILOS UPANG MATIYAK ANG KALIGTASAN NG MGA MAGLALAKBAY. Sinabi ni Transport and Communications Asst. Secretary Dante M. Lantin (kaliwa) na nakapag-usap na ang mga ahensya nbg pamahalaan upang matiyak ang ligtas na paglalakbay. Na sa kanan si Ma. Jocelyn S. Lim, Chief ng Operations and Rescue Coordination Center ng CAAP. (Raymond Bandril)

MAY ginagawang hakbang ang pamahalaan upang matiyak na ligtas na makapaglalakbay ang mga biyahero ngayong Semana Santa hanggang sa summer vacation sa buong bansa.

Ayon kay Transport and Communications Assistant Secretary Dante M. Lantin, kautusan ng kanilang kalihim na tiyaking ligtas ang paglalakbay hindi lamang ngayong Semana Santa kungdi sa panahon ng bakasyon. Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina, sinabi ni G. Lantin, pinag-usapan na nila at ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways ang mga gagawing pagtutulungan.

Idinagdag naman ni Arnie Santiago, Officer-in-Charge ng Enforcement Office ng MARINA na makabubuting sumakay sa may prangkesang sasakyang dagat upang maiwasan ang mga sakuna. Niliwanag ni G. Santiago na ang ipinangangalandakang ferry sa Pasig River ni Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino ay hindi sumailalim sa inspeksyon ng kanilang tanggapan at walang prangkesa.

Para kay Commander Armando Balilo, taga-pagsalita ng Philippine Coast Guard na nagpapatupad sila ng mga palatuntunan upang manatiling ligtas ang paglalakbay sa karagatan.

Bagaman, sinabi ni Ma. Jocelyn S. Lim, ang pinuno ng Operations and Rescue Coordination Center ng Civil Aeronautics Administration of the Philippines, na umaasa siyang magkakaroon ng pagkabalam sa regular na paglalakbay sapagkat madaragdagan ang flights patungo sa Pilpinas at mula sa Pilipinas patungo sa America at Europa sapagkat tinaggap na ng Pilipinas ang Category 1 status kamakaialan.

Mahalaga rin sa mga sasakyang panglupa ang pagkakaroon ng prangkesa. Ipinaliwanag ni Atty. Mary Ann Salada, ang Head Executive Assistant ng Land Transport Franchising and Regulatory Board na mayroong mga 500 mga pampaaherong bus ng nag-apply ng special permit patungo sa labas ng Metro Manila. Sumasailalim din sa mga inspeksyon ang mga bus at pampulingkong mga sasakyan at inaalam kung may sapat itong mga kagamitan at pagsusuri ng mga dalubhasa.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>