Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ligtas na paglalakbay, inaasahan ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2014-04-15 18:20:24       CRI

Magpapatuloy ang Simbahan sa misyon nito

MATAPOS lumabas ang desisyon ng Korte Suprema noong nakalipas na linggo na nagsasabing ayon sa Saligang Batas ang kontrobersyal na Reproductive Health Law matapos alisin ang ilang bahagi nito, ilang mga obispo ang nagsabing magpapatuloy sila sa pagtuturo hinggil sa kasagraduhan ng buhay.

Para kay Legazpi Bishop Joel Z. Baylon nararapat lamang ipagpatuloy ng Simbahan ang kanyang gawain sa pagsusulong ng kagandahan, dignidad at kahalagahan ng buhay na alay ng Diyos sa sangkatauhan. Pananagutan ng Simbahan, ayon kay Bishop Baylon, na ipagtanggol ang mga itinuturong ito mula sa lahat ng panganib. Nararapat ding harapin ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabantay sa paraan ng pagpapatupad ng Reproductive Health Law.

Para kay Basilan Bishop Martin Jumoad, ang desisyon ng Korte Suprema ay isang "win-win solution." Anang obispo, ang mga ipinaglalaban ng Simbahan ay kinilala at iginalang sa pagdedeklarang taliwas sa Saligang Batas ang walong probisyon ng batas sa implementing rules and regulations.

Idinagdag pa ni Bishop Jumoad na obligasyon ng Simbahan na manindigan sa mga isyung moral lalo't higit sa kaluwagang isinusulong ng RH Law.

Para kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, hindi nakasalalay ang mga isyung moral na pinaninindigan ng Simbahan sa civil law kaya't ipagpapatuloy ang pagtuturo sa mga mamamayan bilang moral at spiritual agents sa panahong ito.

Ayon kay Calbayog Bishop Isabelo C. Abarquez, ipagpapatuloy nila ang pagtuturo ng Mabuting Balita "in and out of season."

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>