|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, inatasan ang Pambansang Pulisya para sa Semana Santa
PANGULONG AQUINO, NAG-UTOS SA PAMBANSANG PULISYA. Sa isang command conference, inatasan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III (pangalawa mula sa kaliwa) ang PNP na kumilos upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ngayon Semana Santa. (Malacanang Photo)
NAGPULONG sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at mga pinuno ng pambansang pulisya upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan para Semana Santa.
Sa isang command conference sa Campo Crame, iniulat ni Director General Alan Purisima na ang buong pulisya ay saklaw ng heightened alert status at mga terminal ng bus, daungan at paliparan.
May pakikipagtulungan na rin sa mga pribadong ahensya at magpapakalat ng mga police marshals. Kabilang na rin sa pinag-usapan ang paghahanda para sa World Economic Forum sa susunod na buwan at APEC sa susunod na taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |