|
||||||||
|
||
Maarte/20140506.m4a
|
Ang "The girl in Dawanching" ay isang tipikal na Xinjiang folk song. Masigla ang ritmo, mayaman ang variation, at punung puno ng damdamin kapag kumakanta ang mga artista.
Dahil iba't iba ang minorya sa Xinjiang, nagkakaiba ang katangian ng mga musika sa iba't ibang rehiyon, kabilang sa mga unique regional sa Ili, Kashgar, Hotan and Aksu Prefecture. Nagkakaiba naman ang mga instrumentong ginagamit para sa mga Xinjiang folk songs. Sila ay ang tamboura, hand drum, rawap, naera, at iba pa. Ang lyrics ng Xinjiang folk song ay simple at madaling naunawaan.
Sa "The girl in Dawanching," pinupurihan nito ang magandang tanawin, malakas na tupa at baka, mataas na muskmelon, at mabait at magandang babae.
Ang "Lifting the Veil" ay isa pang folk song na iniawit ni Ke Li Mu. Ang kantang ito ay inilarawan ang magandang hitsura ng isang babae: manipis at mahabang kilay, na katulad ng curved moon; maliwanag ang mga mata, na katulad ng water wave; pula at bilog ang mukha, na katulad ng mansanas. Mula rito, nakita nating ang istandard ng magandang babae sa mata ng mga taga-Xinjiang. Bukod dito, maraming kanta ng Xinjiang ay tungkol sa pagpuri ng magandang babae——ibig sabihin, talagang marami ang mga magandang babae doon sa Xinjiang.
Malalim ang damdamin ni Ke Li Mu sa kantang "The girl in Dawanching," dahil nakilala niya ang kanyang asawa dahil sa kantang ito. Ang asawa ni Ke Li Mu, na si Gu Lan Da Mu, ay artistang Uigur din. Magkasamang kumanta at sumayaw sila ng "The girl in Dawanching" sa kanilang unang pagtatagpo, at nakaakit sa isa't isa mula roon.
Si Ke Li Mu
Ipinagmamalaki ni Ke Li Mu bilang isang Xinjiangese, at palagiang nagsisikap siya para maipagtuloy ang lokal arte ng Xinjiang. Nilikha at kinanta niya ang mga folk song na binubuo ng kapwa tradisyonal at modernong elemento at matiyaga sa pagtuturo sa iba.
Si Ba Ha Er Gu Li
Si Ba Ha Er Gu Li ay isang tipikal na magandang babae taga-Xinjiang. Si Ba Ha Er Gu Li naman ay isang sundalo. Nakuha niya ang maraming karangalan sa mga singing contest at medaliyang ginawaran ng pamahalaan dahil sa kanyang ambag sa pagpapalaganap ng Xijiang folk songs.
Ang kanyang kantang may pangalang"Our wonderland----XinJiang!" ay ipinakikita ang masayang pagbabago ng Xinjiang dahil sa mabisang pamamahala ng pamahalaan. Ang "Why the flowers are so red?" ni Ba Ha Er Gu Li ay pinapurihan ang pagkakaibigan at pagmamahalan. Ang pulang bulaklak ay nagpapahiwatig ng masigla at magandang pagkakaibigan at pagmamahalan.
Si Ai Er Ken
Si Ai Er Ken ay isinilang sa Xinjiang at natapos ang pag-aaral sa musika sa Minzu University of China. Pagkaraan nito, sinimulan niya ang karera bilang isang occupied musician. Binubuo niya ang banda, at karamihan ng kaniyang mga musikal ay may estilo ng Flamenco. Hindi purong espanyo ang kanyang mga musika. Inihalo ng mga ito ang latin, jazz, country, at iba pang elementong pandaigdig. Samantala, pinahahalagahan niya ang pagpapatuloy ng musika ng lupang-tinubuan. Sa kanyang maraming kanta, nakita natin ang pagkakaisa ng elementong Xinjiang at elementong kanluranin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |