Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Makabagong Folk Song ng Beijing

(GMT+08:00) 2014-04-30 15:55:51       CRI

Ang Beijing po ang punong lunsod ng Tsina, kaya naman ang musika rito ay maraming impluwensya mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Ngayon, kung ang musika rito ay may impluwensya ng ibat-ibang musika, masasabi pa ba itong folk song? Aba! Siyempre! "Urban folk song" ang tawag sa musika ng Beijing at ito ay sariling timpla ng musika ng mga taga-rito.

Sa loob ng "Hu Tong" ng Beijing

Sa karaniwan, ang folk song ay mula sa kanayunan, pero, ang "urban folk" ay mga folk song mula sa kalunsuran. Bilang isang estilo ng musika, ang urban folk ay isang uri ng pop music. Ito rin ay musikang mula sa mga karaniwang tao na naninirahan sa mga lunsod. At ang urban folk ng iba't ibang lunsod ay may maliwanag na katangian ng lunsod kung saan ito nagmula. Halimbawa, ang urban folk song ng Beijing ay may katangian ng Beijing.

Ano ang katangian ng Beijing? Ang Beijing ay may katangiang matanda at bata. Ang kultura sa Beijing ngayon ay tradisyonal at makabago. Sa Beijing, makikita mo ang mga lumang bahay sa loob ng Hu Tong, at makikita mo rin ang mga skyscrapers sa di-kalayuan. Maririnig mo rin ang tradisyonal na Peking Opera, kasabay nito, nariyan ang mga makabagong awit. Ngayon, sa pamamagitan ng awit na ito, maari ninyong makita at malibot ang lunsod ng Beijing. Pakinggan natin ang awit na "Looking around in Beijing(逛北京)" na mula kay Si Wen

Kapag sinabing tradisyonal na melodiya na may katangin ng Beijing, tiyak na papasok sa isip ng marami ang Peking Opera. Pero, sa katotohanan, ang Peking Opera ay hindi mula sa Beijing, kundi sa ibat-ibang bahagi ng Tsina. Dalawandaang taon na ang nakalipas, ang mga artista ng opera mula sa dakong timog ng Tsina ay dumating sa Beijing. Upang matanggap ng mga manonood ng Beijing, isinaayos nila ang kanilang original melody at inihalo ang lokal na melody ng dakong hilaga. Sa bandang huli, nabuo ang Peking Opera. Kaya, ang melody ng Peking Opera ay mula sa buong Tsina. Isa pa sa mga uri ng musika na may katangian ng Beijing ay ang "Jing Yun Da Gu." Sa pagtatanghal nito, ang singer ay gumagamit ng isang instrumentong kung tawagin ay bamboo boards sa isang kamay, at isang drumstick sa isa pang kamay. Habang umaawit, siya rin ay nagtatambol at iwiniwisik-wisik ang bamboo boards. Ito ay inaawit sa saliw ng mga instrumentong gaya ng Sanxian, Hu Qin, at pipa.

"Jing Yun Da Gu" na inaawit sa saliw ng mga instrumentong gaya ng Sanxian, Hu Qin, at pipa.

Ang drum at bamboo boards na ginagamit sa Jing Yun Da Gu 

Ngayon, pakinggan natin ang isang awit na may melody ng "Jing Yun Da Gu(京韵大鼓)" --- "Stall tea sa Qianmen"(前门大碗茶)

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
maarte
v Mga Mongolian folk singer 2014-04-14 18:39:20
v Ang Mongolian Long Song 2014-04-08 17:56:45
v Ang kuwento ni Liu Sanjie 2014-03-28 17:57:39
v Xun, Luo at Gu 2014-03-21 16:21:17
v Erhu at Guqin 2014-03-21 10:32:42
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>