Arsobispo Villegas, nanawagan sa mga taga-Lingayen-Dagupan na magdasal
KAILANGAN ng obligatory prayers sa mga panahong ito upang makaiwas sa idudulot na sama ng panahon at mga napipintong mga kalamidad. Sa mensahe ni Arsobispo Socrates B. Villegas sa mga mananampalataya ng Arkediyosesis ng Lingayen-Dagupan, sinabi niyang kailangang magdasal at humiling ng proteksyon sa Diyos mula sa anumang kasamaan at mga suliranin.
Sinabi na ng mga dalubhasa sa Pilipinas na ang nalalabing bahagi ng taong 2014 ay katatagpuan ng mas malalakas na bagyo, pag-ulan at malalakas na hangin.
Bilang isang pastol, kanyang responsibilidad na manawagan at pamunuan ang lahat na dasalin ang panalangin laban sa mga kalamidad at mga trahedya mula bukas, Kapistahan ni San Isidro Labrador hanggang sa ika-29 ng Setyembre, Kapistahan ng mga Arkanghel, sa lahat ng mga Misa, Liturgy of the Hours at bago simulan ang klase sa bawat paaralang pinatatakbo ng Simbahan.
Samantalang hindi mapipigil ng mga tao ang kalamidad, naniniwala ang lahat na may sapat na poder ang Diyos sa lahat. Kasabay ng kanilang panalangin ang panawagan sa patrona ng Pangasinan, ang Our Lady of Manaoag na ipagtanggol ang kanyang mga anak sa Pangasinan.
1 2 3