|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Globe, nagsimula ng crackdown laban sa text spam
INILUNSAD ng Globe Telecom, ang ikalawa sa pinakamalaking telecommunications company sa Pilipinas, ang kanilang kampanya laban sa mga kumpanyang sangkot sa pagpapadala ng mga patalastas sa pamamagitan ng text messages na kilala sa pangalang text spam.
Marami nang reklamong natatanggap ang pamahalaan at mga kumpanya sa mga text spam. Hiniling ng Globe Telecom sa National Telecommunications Commission na utusan ang Caritas Shield Inc. na magbayad ng kaukulang multa sa pagpapadala ng text spam sa kanilang subscribers.
Hiniling din ng Globe Telecom sa National Telecommunications Commission na pagbawalan ng tuluyan ang Caritas Shield sampu ng mga tauhan nito na magpadala ng spam texts sa mga may teleponong konektado sa Globe.
Ayon kay Globe General Counsel Froilan Castela na ganitong aksyon din ang matatamo ng iba pang mga kumpanyang nagpapadala ng text spams.
Sa reklamong ipinadala sa National Telecommunications Commission, sinabi ng Globe na nararapat pigilan ang Caritas sa pagpapadala ng text spams at sabayan na rin ng cease and desist order upang tumalima agad ang kumpanyang inireklamo.
Isang prepaid customer ang Caritas ng Globe at napatunayang lumabag ito sa terms and conditions na saklaw ng user's guide partikular ang hindi paggamit ng prepaid service, handset, SIM cards, call & text card para sa anumang pangloloko at pangaabuso.
Napatunayang ginagamit ng Caritas ang pasilidad ng Globe at TM upang magpadala ng mga mensaheng gumamit ng kanilang health care at insurance products.
Karaniwang nakatatanggap ang mga may mobile phone sa Pilipinas ng lima hanggang sampung text spams araw-araw.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |