![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
melo
|
NAGKASUNDO sina Indonesian Finance Minister Muhamad Chatib Basri at Kalihim Cesar Purisima ng Pilipinas na maraming umaasang magkakaroon ng mas magandang pagawaing-bayan at mas matatag na kalakaran ng pamahalaan upang higit na sumigla ang ekonomiya sa rehiyon.
Naganap ang talakayan sa World Economic Forum na nakatuon sa "East Asia Economic Outlook."
Ayon sa mga ulat na lumabas sa media, kailangang magkaroon ng political stability. Ito ang paliwanag ni Minister Basri. Sa pagkakaroon ng political stability, magpapatuloy ang reporma at makatatawag-pansin ng mga mangangalakal.
Para kay Kalihim Purisima, hindi katanggap-tanggap sa mga mangangalakal ang komplikadong paraan ng pagnenegosyo kaya't kailangan ang isang "stable platform."
Marami na umanong ginagawa ang mga bansa sa Asia at ang tanging kailangan na lamang ay magkatotoo ang mga programa nila. Nanatiling malaking hamon para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng sapat na pagawaing-bayan.
Ayon kay G. Purisima, kailangan ang mga daungan at mga lansangan at mapababa ang halaga ng kuryente. Maganda ang hinaharap ng rehiyon kahit pa maraming balakid sa kaunlaran. Higit sa 600 delegado mula sa 30 bansa ang dumating sa Pilipinas para sa pagpupulong na nagsimula kahapon at magtatapos bukas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |