![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Senate President Drilon, suportado ang debate sa anti-dynasty bill
ISA SA MGA SUMUSUPORTA SA ANTI-DYNASTY BILL SI SENADOR AQUILINO PIMENTEL III. Idinaos ang pagdinig kanina sa Senado ng Pilipinas hinggil sa panukalang batas na nagbabawal ng mga magkakamag-anak sa pagtakbo sa iba't ibang posisyon sa pamahalaan. Kasama ito sa itinatadhana ng Saligang Batas at ngayon lamang nagkakaroon ng liwanag (Senate PRIB Photo)
MAGANDANG pagdebatehan ang panukalang-batas na magbabawal sa political dynasty sa Pilipinas. Ito ang paniniwala ni Senate Presidet Franklin M. Drilon. Mas magiging maganda kung isang "constructive debate" ang magaganap.
Anang senador, tapos na ang mahabang panahon ng paghihintay kaya't nararapat bigyan ng pagkakataon ang panukalang batas.
Ginawa niya ang panawagan kasunod ng pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People's Participation na naganap matapos pag-usapan sa Mababang Kapulungan sa unang pagkakataon matapos ang 27 taon.
Naniniwala si Drilon na ang pagpapasa ng anti-dynasty law ay isang paraan upang magkaroon ng pagbabago sa political system sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |