![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Libu-libong mamamayan, nagbigay galang sa relics ng dalawang bagong santo
DUMAGSA ANG MGA DEBOTO SA ILOILO. Nagbigay galang ang mga deboto ng Iloilo at mga kalapit lalawigan sa relikya nina Santo John Paul II at John XXIII sa University of San Agustin mula noong Martes. (Jeremiah John Veneracion/USASC President)
SA pagpapatotoo sa "Year of the Laity" sa panawagang "Choose to be Brave," libu-libong mga deboto ng Iloilo at mga kalapit lalawigan ang nagtiyaga sa ulan at init ng araw sa pagpila sa pagbibigay-galang sa mga relic nina St. John XXIII at St. John Paul II.
Dumating ang relikya nina St. John Paul II at St. John XXIII sa Iloilo Airport kamakalawa ng umaga at dinala sa pamamagitan ng motorcade sa University of San Agustin. Dumaan ang motorcade sa Jaro Metropolitan Cathedral, bilang pagbibigay galang sa Nuestra Señora de Candelaria na kironahan ni Pope John Paul II noong dumalaw siya noong 1981, at tumuloy na sa St. Paul's University.
Pagdating ng mga relikya sa San Agustin University, namuno sa Misa si Arsobispo Angel N. Lagdameo sa ganap na ika-11 ng umaga. Sa kanyang homiliya, sinabi ni Arsobispo Lagdameo na tinatawagan ang lahat na magtangkang magbuhay banal.
Ayon sa balitang mula kay Fr. Mikee Cardenas, mahaba ang pila ng mga deboto mula sa kapilya hanggang sa parking area upang makita ang mga relikya at ni Beato Ivan Merz.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |