![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Tagum Death Squad, may pagsisiyasat na isinasagawa
MATAPOS lumabas sa media ang pagkakaroon ng "Tagum Death Squad," may kautusan na ang tanggapan ni Police Director General Allan Purisima sa kanyang Directorate for Investigation and Detective Management upang alamin ang katotohanan sa ulat.
Magugunitang ibinunyag ng Human Rights Watch na marami nang napaslang ang death squad na binuo umano ng punong-lungsod upang mawala ang mga "damo" sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay Sr. Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ni Director General Purisima, hinihintay nila ang full report ng kanilang Directorate for Investigation and Detective Management.
Idinagdag pa ng opisyal na inatasan na rin ang Human Rights Office ng Philippine National Police na tumulong sa pagsisiyasat.
Kahit wala pa naman ang full report ay mayroon na silang ginagawang pagsisiyasat sa paisa-isang pagpaslang sa nakalipas na ilang taon.
Nag-ugat ang report ng Human Rights Watch sa mga pananaliksik, panayam at pagdalaw sa pook upang makausap ang mga nakaligtas sa death squad na kawani ng Tagum City Civil Security Unit.
Binuo noong 1998 at nabalitang mayroon ng 298 katao ang napaslang hanggang noong Marso ng 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |