![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
melo/20140526.m4a
|
MALAKI ang pag-asa ni Congresswoman Gina Vera Perez-De Venecia na napapahanon na ang pakikipag-usap na muli ng Pilipinas sa Tsina.
Ito ang buod ng kanyang privilege speech sa House of Representatives kanina. Kasama niya ang ibang kababaihang mambabatas na dumalaw sa Tsina sa loob ng sampung araw sa paanyaya ng International Department ng Communist Party of China para sa isang people-to-people, inter-parliamentary, women-to-woemn inter-party visit.
Naging maganda ang pagpapalitan ng mga pananaw sa mga kinatawan ng Kongreso ng Pilipinas at ng Communist Party of China na siyang magpapalakas sa pangako ng Pilipinas sa Joint Summit Declaration sa pag-itan nina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Chinese President Hu Jintao. Hindi natatapos ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa mga isyung bumabalot sa South China Sea o West Philippine Sea sapagkat ang bilateral trade, ayon sa pananaw ng Tsina ay lalago sa halagang US $60 bilyon at dalawang milyong mga turista sa taong 2016.
Nabanggit umano ni Vice Minister Chen Fengxian na ang Tsina at Pilipinas ay magkakapitbahay at tinitingnan nila ang Pilipinas bilang kasapi ng kanilang pamilya.
Ani Gng. De Venecia, unang naitatag ang Chinatown sa Binondo noong 1594 nakatatagpuan hanggang ngayon ng magandang relasyon ng mga Tsino at mga Filipino. Kahit pa umano naging mainit ang pagpapalitan ng mga pahayag, nakabilang pa rin ang Tsina sa mga bansang unang tumugon sa pangangailangan ng mga binagyo. Nakita ito sa pamamagitan ng pinakamalaking floating hospital ng Tsina, isang A-320 aircraft, 50 mga manggagamot para sa humanitarian assistance.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Gng. De Venecia na kailangang magkaroon ng bilateral talks sa Tsina at maghanap ng kaukulang solusyon sa pinagtatalunang mga pulo sa West Philippine Sea, sa South China Sea bilang pang-ayuda sa arbitration case na ipinarating ng Pilipinas sa United Nations Law of the Sea Tribunal. Kailangang maghanap ng mga paraan upang higit na maunawaan ang mga paninindigan ng mga bansa at ng magkatulungan sa mga suliraning kinakaharap ng mga lipunang Pinoy at Tsino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |