![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kapayapaan, mahalaga pa rin
KALAKAL AT PEOPLE TO PEOPLE RELATIONS MAHALAGA. Naniniwala si Dr. Francis Chua, ang Pangulo ng Philippine Business Center na mahalagang ituloy ang kalakalan at people to people relations sa Tsina. Bahala ang mga diplomatang mag-usap hinggil sa mga 'di pagkakaunawaan, dagdag pa niya. (Melo Acuna)
PAG-UUSAP sa payapang paraan ang kailangan sa mga bansang nasasakupan ng South China Sea. Ito ang pahayag ni Dr. Francis Chua, ang Pangulo ng Philippine Business Center sa isang exclusive interview.
Idinagdag ni Dr. Chua na mahalagang magpatuloy ang kalakalan at pag-uugnayan ng mga mamamayan ng bansang Pilipinas, Tsina at iba pang bansa. May karapatan ang mga bansang magpaliwanagan lalo pa't may mga paghahabol ang iba't ibang bansa sa ilang bahagi ng karagatan sa kanilang pagitan.
Hindi kailanman kailangan ang digmaan sa paglutas ng 'di pagkakaunawaan. Ang mga isyu hinggil sa nasasakupang bahagi ng karagatan at mabuting ipagkatiwala sa mga diplomata.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |