Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakikipag-usap sa Tsina, napapanahon

(GMT+08:00) 2014-05-26 19:09:24       CRI

Arsobispo: Ibalik ang donasyon

MAS makabubuting isauli na lamang ang tinanggap na donasyon mula sa pork barrel ngayong nabatid na nila ang pinagmulan nito.

Ito ang panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz na nalathala sa mga pahayagan at naisahimpapawid sa mga radyo't telebisyon. Kung maisasauli nila ang salapi ay isauli na nila, dagdag pa ni Arsobispo Cruz.

Nararapat matuto sila sa pitong obispong nabalitang tumanggap ng sasakyan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office mula sa Administrasyong Arroyo.

Naging dahilan ito ng pagdinig sa Senado. Ipinaliwanag ng mga obispo na tinanggap nila ang sasakyan ng walang malisya at upang makatulong sa tao. Minabuti nilang isauli ito sa Senado sa pagdaraos ng hearing.

Ito ang payo ng arsobispo matapos lumabas sa pahayagan na nagbalita ng exposè ni Benhur Luy na nagsabing umulan ng mga donasyon mula kay Gng. Janet Lim Napoles para sa mga pari at madre. Ang pera, ayon kay Luy ay mula sa CDF ng mga mambabatas.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>