Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakikipag-usap sa Tsina, napapanahon

(GMT+08:00) 2014-05-26 19:09:24       CRI

Edukasyon, napakahala sa Lipunang Pilipino

EDUKASYON, MAHALAGA. Nagkakaisa ang paniniwala ng mga panauhin sa Tapatan sa Aristocrat kanina na mahalaga ang Edukasyon para sa lahat. Sa likod ng mga suliranin, kailangang isulong ang mga programa upang makatapat ang Pilipinas sa mga kalapit bansa sa ASEAN. Panauhin sina dating Senate President Aquilini Pimentel Jr,, Congressman Antonio Tinio, dating Manila Mayor Alfredo Lim, Education Assistant Secretary Tonisino Umali at UP College of Law Professor Marwil Llasos. (Sky Ortigas)

NARARAPAT bigyang prayoridad ang mga palatuntunang magpapaunlad sa kalakaran ng Edukasyon. Ito ang nagkakaisang tinig ng mga panauhing dumalo sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

Para kay Partylist Congressman Antonio L. Tinio, kahit pa sabihin ng Department of Education na natutugunan na ang mga kakulangan sa Edukasyon, hindi pa rin matatapus-tapos ang problema sa overcrowding.

Problemado pa rin sapagkat nagbabalak ang ilang mga opisyal ng pamahalaang lokal na magkaroon ng tatlong araw sa isang linggong klase sa mga pook tulad ng Caloocan City.

Sinabi ni Education Assistant Secretary Tonisino MC Umali na nagkataong problemado sila sa Metro Manila sapagkat wala nang mapapagtayuan ng mga bagong gusali para sa elementary at high school. Unti-unti nang nababawasan ang teacher to pupil ratio, school desk to pupil ratio at ang ratio ng mga aklat sa mga mag-aaral. Malaki rin umano ang natipid ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga aklat na nabibili mula sa P 300 bawat isa ay nabibili na lamang ito sa halagang P 50 hanggang P 100.00 bawat isa.

Sinabi naman ni dating Senate President Aquilino Pimentel, Jr. na obligasyon ng pamahalaan, maging pambansa o lokal na itaguyod ang edukasyon sapagkat itinatadhana ito ng batas. Para kay dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, nagamit niya ang salapi ng lungsod sa pagpapatayo ng mga gusali upang magamit ng mga mag-aaral. Tunay na mahirap gawin ito sapagkat karaniwang ginagamit ang mga gusali nilang evacuation center sa panahon ng trahedya.

Ikinalulungkot ng dating senate president na kung walang kakayahang makatanggap ng de kalidad na edukasyon, mananatili ang Pilipinas na salat sa kaunlaran at walang patutunguhan ang anumang natamong economic gains.

Ang problema, ayon sa dating mambabatas, ay kung paano magkakaroon ng walang bayad na paaralan para sa mga kabataang mahihirap.

Kahit pa sinasabi ng Administrasyong Aquino na unti-unting nalulutas ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon, salat pa rin ang mga paaralan lalo't tinamaan ng trahedya ang Central Philippines noong nakalipas na taon, kulang pa rin ang mga guro na siyang dahilan ng tuluyang pagbaba ng kalidad ng pag-aaral.

Kapwa naniniwala sina dating Senate President Pimentel at Manila Mayor Lim na ang binabalak na three-times-a-week school calendar ay lubhang makakaapekto sa uri ng edukasyon. Ipinaliwanag pa ni Senator Pimentel na ang mga guro ang kinikilalang pangalawang magulang kaya't tiyak na mababawasan pa ang mga pagkakataong makapagsama ang mga guro at mag-aaral.

Ani Mayor Lim hindi mo naman mapapaalis ang mga biktima ng sunog, bagyo at baha sapagkat walang ibang mapupuntahan.

Ipinaliwanag ni Alliance of Concerned Teachers Partylist Congressman Antonio Tinio na nararapat ding masdan ang kalagayan ng mga kawani ng pamahalaan, partikular ang mga guro sapagkat binanggit na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na hindi niya prayoridad ang pagtataas ng sahod ng mga kawani ng pamahalaan ngayong 2014.

Kumpirmado sa pahayag ni Congressman Tinio na nagbabalak silang magpatawag ng sabayan at maramihang bakasyon ngayong susunod na ilang buwan.

Ayon kay Atty. Marwil Llasos ng University of the Philippines College of Law, hindi basta nakakapasok sa kanilang dalubhasaan ang mga nagtapos sa mga lalawigan. Malaki umano ang posibilidad na nahihirapan silang makalusot sa mga pagsubok sapagkat kulang sila sa paghahanda at kakayahan.

Binanggit ni Assistant Secretary Umali na mayroong mga paaralang may espesyal na atensyon sa Ingles, Agham at Matematika. Halimbawa na rin sa mga paaralang ito ang Quezon City Science High School na tumatanggap ng mga mag-aaral na may sapat na kakayahang mag-aral ng advanced subjects na karaniwang ibinibigay sa kolehiyo.

Pabirong sinabi ni G. Pimentel na mas makabubuting bawasan na muna ang mga paaralang nag-aalok ng kursong abogasya sapagkat ang kailangan ay mga dalubhasa sa larangan ng pananaliksik sa larangan ng agham.

Ipinaliwanag ni dating Mayor Alfredo S. Lim na isang hamon para sa kanya ang pagtatayo ng Universidad de Manila kahit pa mayroong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ayon sa dating punong-lungsod, bukod sa puno na ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, tanging magagaling na mag-aaral ang matatanggap kaya't binuo ang Universidad de Manila upang tumanggap ng mga tinaguriang average students at magkaroon ng apat na taong college degree.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>