Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pasaporte, ingatan

(GMT+08:00) 2014-06-12 17:03:08       CRI

 

Isang lalaking Tsino na dumadalaw sa South Korea ang napabalitang hindi pinayagang makalabas ng bansa dahil sinulatan at ginawang sketch notebook umano ng kanyang apat na taong gulang na anak na lalaki ang kanyang pasaporte.

Ayon sa online.thatsmags.com, isang kilalang online magazine sa Tsina, "the boy doodled all over his father's passport photo with a black felt –tip pen, scribbling out his eyes and mouth and adding additional facial hair making him completely unrecognizable."

Samantala, ang buong pasaporte ay balot sa drowing ng ibat-ibang hayop, bulaklak, at kung anu-ano pang sining para sa isang apat na taong gulang.

Dahil sa pangyayaring ito, hindi pinayagang makabalik ng Tsina ang ama, at kinailangang manatili sa Timog Korea.

Pagkatapos ng insidente, inilagay ng lalaki ang litrato ng kanyang sinulatan at di-na magagamit na pasaporte sa microblogging site na Weibo.

Aniya, "talagang nakakalungkot… mayroon ba kayong naiisip na solusyon?"

Sa kabilang dako, ilang skeptical netizen ang naniniwalang ang pangyayaring ito ay palabas lamang. Ayon naman sa kotaku.com, ang mga apat na taong gulang ay hindi nakakapagsulat at nakakapagdrowing ng ganoon kaayos, at wala rin umanong mantsa ng tinta.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>