|
||||||||
|
||
20140605ditorhio.m4a
|
Hebei Academy of Fine Arts
Mga pengyou, para sa episode sa linggong ito, limang ekstraordinaryong balita muli, na mainit na pinag-usapan at pinag-uusapan dito sa Gitnang Kaharian, na isa ring tawag sa Tsina ang ating bibigyang-atensyon.
Marahil karamihan sa atin; kundi man lahat ay napanood na ang isa sa mga serye ng pelikulang "Harry Potter," kung saan itinampok ang buhay ng batang si Harry at kanyang pakikipaglaban sa mahikang itim. Sa kanyang pakikipagsapalaran, marami siyang naging kaibigan, natutunan, at marami ring lugar na napuntahan. Subalit sa lahat ng mga lugar na napuntahan ni Harry, wala nang mas kigila-gilalas pa sa Hogwarts Castle, na siya ring kanyang paaralan. Sa pelikula, makikita natin ang isang disenyong Europeo na napakalaking kastilyong binubuo ng ibat-ibang tore, malaking palaruan, mga sikretong daanan at silid, at mahiwagang mga bagay. Pero, alam po ba ninyo, dito sa Tsina, nakatakda na ring itayo ang isang paaralan na base sa disenyo ng Hogwarts School of Magic? Hindi lang po iyan, ang gusaling mala-Hogwarts na nakatakdang makumpleto sa 2022 ay isa ring tunay na gusali kung saan mag-aaral ang libu-libong mga estudyante; hindi nga lang po mahika ang kanilang pag-aaralan kundi fine arts. Ang tinutukoy po nating paaralan ay ang Hebei Academy of Fine Arts na matatagpuan sa Xinle, isang bayan, 30km mula sa Shijiazhuang, Hebei.
Ayon kay Artist and visionary businessman Zhen Zhongyi na siya ring nagtayo ng nasabing paaralan noong 1996, "ang Hebei Academy of Fine Arts ang kaisa-isang pribadong eskuwelahan ng fine arts sa Tsina, at ito ay may espesyal na lugar sa kasaysayan ng pag-aaral ng sining sa bansa." Sa kasalukuyan, ang nasabing paaralan ay may humigit-kumulang sa 8,000 estudyante, na nag-aaral ng traditional Chinese fine arts, architecture and design, at iba pa. Sa kanyang panayam sa China Radio International noong 2009, sinabi ni Zhen, na 100 porsiyento ang employment rate ng mga graduate mula sa kanyang paaralan.
Pero, dahil sa magara at mala-Hogwarts na disenyo ng mga itatayong gusali, maraming eksperto ang nabigla sa plano ni Zhen. Ayon sa Arkitektong si James Shen, "I find it ironic that an arts university, an institution that is meant to foster innovation and creativity, chooses to promote itself by constructing a castle in such an exaggerated historic style that it ends up looking like a Hollywood set, itself an exaggerated copy of something else."
Sinabi naman ni Zhen, "ang mga disenyo ng gusali ay naglalayong magbigay-inspirasyon sa mga estudyante upang sila ay mas maging malikhain. Dagdag pa niya, maraming tao ang nabibigla dahil mayroon silang tradisyonal na konsepto ng hitsura ng isang paaralan. Ayon naman sa anak ni Zhen, hindi umano kopya ng Hogwarts ang itatayong mga gusali, sa halip, ito ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng kanyang ama, na mahilig sa arkitektura ng Europa. Talaga lang ha?
Ang tanong mga pengyou, talaga bang makakapagbigay-inspirasyon sa mga nag-aaral maging malikhain at alagad ng sining ang isang paaralang ibinase sa disenyo ng Holywood na pelikula? Kayo na po ang sumagot. Para mapakinggan ang kumpletong bersyon ng programang ito, paki-click lamang ang link sa ibaba.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |