|
||||||||
|
||
20140522ditorhio1.m4a
|
Incredible Race
Si Lin Chuhan at "Cooked sushi"
Mga pengyou, saan mang sulok ng mundo, maraming kaganapan ang nagiging tampok ng usap-usapan ng mga tao bawat araw. Karamihan ay naisasahimpapawid sa radyo at telebisyon, nailalathala sa mga dyaryo, at nailalagay sa mga social networking site. Ang mga balita at pangyayaring ito ay may ibat-ibang tema, ang ilan ay nakakabagbag ng damdamin, nakakatuwa, nakakainis, etc. Ilang halimbawa ay ang kuwento ng pagpupunyagi ng ating mga kababayan na naging biktima ni Bagyong Yolanda, eleksyon sa India, kaguluhan sa Vietnam, protesta sa Thailand, isyung nuklear ng Korean Peninsula at Iran, krisis pampinansya sa Europa, pamamaril sa Amerika, at marami pang iba. Dito sa Tsina, ganyan din ang situwasyon. Bawat araw, ibat-iba ang nangyayari at pinag-uusapan ng mga mamamayan. Pero, bukod sa mga tinatawag na hardline news na tulad ng nabanggit natin, marami rin ang mga nagaganap na kakatuwa sa ating kapaligiran. Para sa gabing ito, susulyapan po natin ang mga kakaiba at kadalasan ay nakakatuwang mga pangyayari rito sa Beijing.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |