|
||||||||
|
||
Bilang ng mga nasawi sa pananambang sa Sulu, umabot na sa 23
MAY 23 katao na ang nabalitang nasawi sa pananambang na pinaniniwalaang kagagawan ng Abu Sayyaf kahapon sa Talipao, Sulu.
Ayon sa mga balitang nakarating sa Maynila, pinaputukan ng mgay Abu Sayyaf ang may 50 katapos sakay sa isang convoy patungo sa isang pagdiriwang . Kabilang sa mga nasa convoy ang mga kababaihan, mga bata at isang senior citizen. Sa panayam na ibinigay ni ARMM Governor Mujiv hataman, anim umano ang nasugatan at isinugod sa Zamboanga. Dalawa sa anim na ito ang nasawi.
Isinugod sa pagamutan ang mga batang paslit, mga menor de edad at isang senior citizen. Magdiriwang sila sa pagtatapos ng Ramadan.
Isang pinaniniwalaang Idang Susukan at isa Sibih Pisih ang namuno sa grupo ng mga armado sa Lower Lumapid kahapon ng umaga sa Talipao.
Isang tatlong taong gulang na bata at anim na pulis ang nasawi sa pananalakay samantalang apat na iba pang mga bata ang nakasama ng 11 mga nasugatan.
Ayon kay Gobernador Hataman, sumasama ang mga pulis sa mga kawal sa kanilang mga operasyon kaya't tinambangan ang grupo kahapon na kinabibilangan ng mga tauhan ni Vice Mayor Tambrin Tulawie.
Sinabi naman ni Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, tuloy ang paghahabol sa mga nanambang at tutulong din sila sa pulisya sa pagsisiyasat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |