|
||||||||
|
||
UNICEF, tutulong pa sa mga binagyo
MAGKAKALOOB ang UNICEF ng tulong sa mga binagyo sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development sa palatuntunang Pantawid Pamilyang Pilipino Programme sa Eastern Samar.
Tinaguriang Unconditional Cash Transfer ang programa at makatutulong sa may 5,801 mga pamilya sa Eastern Samar sa mga bayan ng Guiuan, Hernani, Mercedes, Balangkayan at Salcedo. Mula sa mga nanganganib at mahihirap na pamilya ang mga makikinabang sa palatuntunan upang magkaroon ng sapat na pagkain at mga kagamitan.
Lumagda sa kasunduan ang UNICEF at DSWD at tiniyak na tatanggap ang mga pamilya ng P4,400 bawat buwan bilang dagdag sa regular cash grant na ibinibigay sa ilalim ng 4Ps. Ang cash distribution ay kasabay ng paglalabas ng 4Ps. Ang additional cash grant ay tatagal ng anim na buwan mula ngayong Hulyo hanggang Disyembre.
Ang kasunduan ng UNICEF-DSWD ang nagpalago mula sa 10,000 mga pamilya na suportado ng UNICED UCT programme sa Leyte. Kasama ng UNICEF ang Action Contre la Faim na nagbibigay din ng kahalintulad na cash grant sa loob ng anim na buwan.
Ayon ay Lotta Sylwander, UNICEF Philippines representative, ang unconditional cash transfer ay para sa mga piniling pamilya upang makabawi sa pinsalang idinulot ng bagyong "Haiyan" na kilala sa pangalang "Yolanda."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |